July 27, 2008

Come what may


Ehem. Ehem. Kamusta naman ako? Ayun. Problemado. Bakit problemado? Dahil may exam ako bukas sa Integral Calc at hanggang ngayon wala pa akong naintindihan sa application ng indefinite integration. Nakakatamad kasi mag-aral ng math. Lalong-lalo na kapag alam mong bagsak ka sa prelim, babagsak sa midterm at prefinals. In short, babalikan mo next sem. Nakakawalang gana pero go paren. (ganun talaga ang buhay men!)

Minsan iniisip ko, ano kaya ang mangyayari sa akin kapag nabagsak ko `to this sem at babalikan next sem? Ano kaya ang gagawin ng mga taong nagpapa-aral sa akin kapag nabagsak ko `to? Baka hindi na nila ako pagpapa-aralin at magiging tambay na lang sa bahay habambuhay! Sarap `nun! Ayun, alam kong nag-oover react na ako. Pasensya. Pasensya. OA lang talaga ako minsan. Haha.

Nagugutom ako, hmm.. gusto kong kumain ng spaghetti kaso wala akong ingredients at hindi ako marunong magluto. (I suck at cooking men! demmet!) Kanina lang nagtanong si Jonji sa akin kung paano magluto ng adobo dahil parang mali raw yung steps niya. Aba`t may steps pa pala yun? lol. ngayon lang, nag-gm si Mikki sa YM at ang sabi: Pancit Canton + Sardines = Spaghetti. Wow! perfect timing! and because im craving for spaghetti, gusto ko itry ang sinabi niya. Ano kaya lasa nun? lol.

Ten thirty na, kailangan ko na mag-aral. Sana may matutunan at maintindihan ako. Good luck sa akin. (o.o).v

3 comments:

  1. lutuan kita ng spaghetti! :D

    ReplyDelete
  2. Yiiii ang sweet mo ming!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...