April 3, 2009

Saan Na Ang Diary ko?

meron akong kaibigan
magaling sa math, science.. sa lahat!
ngunit siya ay bobo kung minsan
lalo na't pag ako ang kaharap.

hindi naman ako mas magaling sa kanya,
sadyang nagiging tanga siya
kapag ako ang kausap niya.
malamang crush niya ako, diba?

lagi siyang nakatingin sa akin
tinutukso niya ako sa iba
nakaka-asar...
nakaka-asar...

hindi ko siya type
hindi talaga!

ngayong gabi,
gusto kong matulog ng mahimbing.
gusto kong managinip ng maganda.
sana makapiling ko siya.

wala...
hindi ko alam anong dapat gawin...
napasulat lang ako dahil miss ko na 'to.

saan na ang diary ko?

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...