March 8, 2009

Branded Ba?

Kanina lang sumakay ako ng jeep pauwi sa bahay. Nakaupo ako sa dulo. May katabi akong naka-dilaw na t-shirt, berde na skinny jeans, pink na tsinelas at pulang bag na parang pinaliguan ng kiwi sa sobrang kintab. Sa harap ko naman ay isang lalaking naka shades, black na sando, bughaw na gusot gusot na panatalon, tsinelas na maitim at may hawak na papel sa kanang kamay. Pagkatapos kong pansinin silang dalawa, naalala ko bigla na may binili pala akong vitwater na color blue sa isang convinience store malapit sa paaralan kanina. Agad-agad kong kinuha ito sa loob ng bag at binuksan para inumin.

Pagkatapos, ibinalik ko ito sa loob ng bag at tumingin sa labas ng parang bintana ng jeep. Napatingin ako sa sapatos kong chuck taylor at tiningnan na rin ang tsinelas nung lalakeng nakaupo sa harapan ko. Hangang-hanga ako sa paa niya, mabuti pa ang paa niya, naka Hvaians. Tumingin ako sa tsinelas ng babaeng nakaupo sa tabi ko. Hindi ito Hvaians, pero malinis ang paa niya kung ikumpara mo sa lalakeng naka-Hvaians.

Naisip ko tuloy, ito talaga ang reyalidad.

Halos lahat ng taong mayayaman, marumi ang trabaho o di kaya, maloko, corrupt, atbp. Habang ang taong mahirap, desente, malinis at kuntento sa kung anong meron sila.

Teka lang, wag agad kayo mag-react. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng taong may Hvaians ay marumi at lahat ng taong walang ganun ay malinis. Pwede rin naman, marumi lang at yung isa mas marumi. hahaha! loko lang. Pero totoo, kung ikumpara mo talaga ito sa ating gobyerno, talagang tumpak ako dito. Kaya payo ko lang sa mga against dito, hindi kayo ang pinaparinggan ko kundi ang gobyerno. Peace sa lahat. :)

DISCLAIMER:
This is just my opinion. I'm not against the identity of those two people I mentioned earlier. I am just comparing those sleepers to our corrupt government and to the Filipinos who are suffering from poverty. If you're not satisfied with this, feel free to criticize my work.

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...